Isang Paalala
Danasen
Sa pagmulat ng aking mata
narinig ko sa likod ang aming punta
Magtawag ng kaklase isa-isa
Bago maglinis, magpulong-pulong muna
Lahat ng galaw ay mabilisan
Huwag patulog-tulog nang hindi maiwanan
Sa pagbukas ng ilaw ay hindi mapagsabihan
Handang ipakita sa Upperclass ang ka-isnapihan
Mag shine ng gamit, magplantsa ng damit
Magpakintab ng sapatos, magsuklay ng buhok
Mag-ahit ng balbas, magpabango ng madalas
Maglinis ng kuko, tenga, ilong at ulo
Ihanda ang ballpen, Tickler at panyo
Magpalit ng medyas para hindi mabaho
Ayusin ang bag bago lumabas ng barracks
Para walang problema pagdating sa ranks
Sa mabikas kong kaklase, ito'y isang paalala
Lalo na't sa plebo tayo nagmula
Mga basic huwag pa ring ipagwalang bahala
Sapagkat tayo pa rin ang pinakamababa
Sa Upperclass ating ipakita
Mga tinuro nila ating pagyamanin pa
Upang pagdating ng araw
Maituro naman natin sa iba.
0 comments:
Post a Comment